by Maranatha Alvarez on Monday, May 17, 2010 at 7:08pm (back log;p)
"I've been a product of SIBFK-AAFC ministries and I thank the Lord that even though I'm unworthy, HE has called me to be of service for HIM in SIBFK-AAFC."
The Lord has taught me a lot, especially sa nagdaang juniors camp. From the preparations pa lang end even pagkatapos ng camp and so forth and so on, dahil I believe hindi naman natapos ang ministry ng camp sa last day nito for the Lord is continuously working sa life ng mga kids.
During the preparations, medyo nanga-ngapa pa talaga ako. Buti na lang..guided by my teach:) ate poopie taught me certain things. Being assigned sa program for the whole camp medyo hindi talaga madali pero sinet ko sa mind ko na i must "do hard things" for HIS glory. So we discussed the program flow and even the pre-camp(usually online) at dahil din busy at laging puyat si teach i volunteered na ako na lang ang gagawa ng devotions for camp. Hindi ko din alam kung bakit ako napa-volunteer, siguro part yun ng training sakin ng Lord. Medyo nahirapan din ako sa paggawa nun kasi I don't have any idea kung tama yung ginagawa ko tsaka puro english siya at baka mahirapan yung mgs kids.By the Lord's help natapos ko naman siya sa deadline na sinet ko din. As the Juniors camp is nearly approaching medyo panic mode kasi hindi ko talaga alam yung gagawin at yung mga inassign saking task na hindi ko pa ginagawa before. In short bago talaga for me kaya kinakabahan ako. Lalo pag nadagdagan ang panic mode nung a week na lang before yung camp ay hindi pa kumpleto ng staff. thank God nung nagconfirm agad si Ptr. Jiffy na siya na bahala sa counsleors=) still another problem came, nagkaroon ng conflict ang supposed to be music team so hindi na din sila makakapunta..i've sugested another music team pero hindi din pala pwede so we will pursue without the music team.
Then dumating yung pre-camp...we arrived at Calaca around 5pm and walang katao-tao sa camp site. Ayun, nagreminisce muna sa beach at naglilibot-libot sa place na napaka memorable sakin. Nakakatuwa kasi may kubo na ulit malapit sa beach at nabalik na yung buhanging nawala though ang lapit na talaga nung dagat sa kubo. Nagsulat pa ako ng malaking "Do Hard Things" sa sand. Nung dumilim na, bumalik na lang kami sa dining hall habang hinihintay yung iba pa naming mga kasama...medyo natagalan kaya nagfood trip muna kami sa ilalim ng puno ng mangga. At nagsi datingan na sila....pinrepare na namin ang gagamitin for dinner. Dun ko lang din nalaman na hindi pa buo yung staff at uuwi na din kinabukasan si Teach Pie at tita rowch..hindi ko ma-imagine, nalaman ko din na marami pala ang hindi na makakarating. Inisip ko un, pano na kami, pano mapapatakbo ang camp ng maayos?Thank God din dahil nag provide pa din siya ng music team, kahit 3 lang sila at yung isa ay isa pa sa mga counselors nakakatuwa na nagamit talaga yung talents nila para sa gawain ng Panginoon sa camp:) That night ay kinokontak din namin si Ptr. JR pero no response from HIM kaya mas kabado kasi baka wala ding guards at sports com..at yung iba pang need sa camp. Nag-orientation na kami with the counselors, 8 female counselors at 4 male counselors ang present. Then dinner then resume ulit ng pre-camp. Nung tinawag ako ni teach for flow of program para idiscuss medyo kinabahan ako...may fear pa din kasi ako sa public speaking.But thank God na-overcome ko din:) That night din kinausap na ako ni teach and since she's really leaving the next day sakin ibinilin lahat ng concerns esp. sa buong program ng camp. Bukod sa no choice na talaga I was challenged to take it and said to my self, "DO HARD THINGS" nga eh..
Then the next day came, we had an early devotions then preparations na for the camp. By God's grace I was able to discuss the devotions,talent's night and taught them the crafts and small group activity, while Nay Cha (by the way,Ate Cristia and Ptr.Vincent arrived na din pala that morning and twas a great relief for me:P)Rizza grouped the counselors according to their team, Tita Rowch shared about the team building and ate guided them for short presentation for the hello night^_^ Then dumating si Ptr. JR! Thank GOD indeed dahil kahit hindi nagrereply si ptr.JR sa mga text namin wala siyang namiss na task!nice one Pres!:) and even more, He was able to recruit sports com and even guards for camp! Ang galing talaga ng Lord!
Umuwi na si Tita Rowch at Teach pie which left us 5 officers na lang. Parang mahirap isipin but GOD is truly gracious with us! Isa pang sakit sa ulo ay nung binilin ni tita rowch si Manong Dean Marl sakin. Ang pasaway na counselor na hahabol daw at on the way na daw siya to camp. At dahil nagcommute siya imbis na makisabay ay nawala siya. Naligaw at pina-kaba kami dahil nagstart na ang hello night at wala pa siya. Pero thank GOD pa din at nakarating siya ng matiwasay. Dumating pa siya ng tawa ng tawa at masayang-masaya sa kanyang pagkaligaw!:) hahaha
Then came the kids! Maraming maaga for registration pero parang hindi na sila nadagdagan. We prepared materials for camp for around 100+ campers. Isa pa konti lang din ang staffs Pati camp director namin napasubo sa song leading at sa pagiging emcee dahil ang aming all-around na si Ptr. Jiffy ang siyang speaker sa pagkakataong ito. Kahit ako ay nasabak sa pagiging emcee at sa pagsosonglead! Hindi lang nila alam kung gaano ako ka kabado nun pero in the end na-enjoy ko na din:) But HIS ways are better than our ways. We started the program with our 45 campers and trusting GOD that HE will provide! GOD never failed us and the previous camp testified HIS faithfulness kaya we went on without worries and doubts:) GOD is really too wise to be mistaken. Nakita ko as the camp went on along, mas natutukan ang mga bata. Hindi lang sila once nakakausap ng mga counselor kundi pa-ulit ulit pa. At dahil hindi din gaanong marami ang mga kids mas monitored at less ang pagod ng ating mga mala nanay at tatay na mga counselors.
I praise GOD for the lives of the counselors and even for the volunteers ng Juniors camp! Hindi matatawaran ang kanilang serbisyo. Sa mga panahon na 8 hours lang ang tulog niyo..hindi sa isang araw kundi sa isang linggo, sa mga oras na kayo ay hinigh blood sa makukulit at nagtatantrums na counselee, sa pagtitiis sa sobrang init, sa pagtitiyaga sa pagtuturo sa mga bata, sa pagturing sa mga bata na para niyo ng anak, sa paglalaba n mga damit na puno ng pawis ng mga bata, sa pagpapaligo sa kanila, sa pagiging magandang ehemplo sa mga bata, sa walang sawang pagcheer at pag encourage sa mga bata, sa paggising ng maaga para sa paghahanda, sa pagtulong sa pagluto ng mga pagkain ng lahat, sa magdamag na pagbabantay sa camp site at para hindi antukin ay nagpahabol sa mga aso, sa paggamit ng inyong kaalaman at propesyon sa pagtulong, sa mahabang pasensiya sa mga bata, sa pagaalaga ng mga bata nung sila ay nagkasakit, sa biglaang pagsonglead kahit matagal na po kayong hindi na nagsonglead ulit, sa pagiging creative sa pagpapaabot ng mensahe ng Panginoon sa mga bata, sa pagbigay ng inyong mga talento para sa Panginoon, sa pagbuhos ng oras, pera at kakayahan sa gawain ng Juniors camp, sa puso na kahit sa anong hirap ay may katuwaan sa paglilingkod. Hindi man namin ito masuklian, GOD will truly reward you for your labor is not in vain in HIM! Sabi nga, Hindi man makita sa mga bata ngayon ang bunga, balang araw mas masarap makita o malaman na sila ay tapat na naglilingkod na din sa gawain ng Panginoon". There is truly joy in serving Jesus!
Sana po huwag kayong magsawa sa pagsupporta at paglilingkod sa ganito pong gawain. Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo at higit sa lahat sa Panginoon sa experience ko ulit sa Juniors Camp!
Muli tayo'y mag
"Ratatat-tat and a pam-pam-pam...
Here comes the...
Pink Panther
Orange Chicken
Wild Cats
Yellow Munks
To GOD be the glory!!!
No comments:
Post a Comment